Ver
01

Mga walang kamatayang jokes

Sa isang sayawan, nag-uusap ang isang binata at dalaga habang nagsasayaw:

Binata: Anong pangalan mo?
Dalaga: Nini…
Binata: Ang gandang pangalan. Baka naman Nene?
Dalaga: Pwidi…

Sa isang classroom ng prep:

Teacher: Okay, childs, what was your assignment?
Pupil: (Quite hesitant) Teacher, hindi po childs, children.
Teacher: Ay, oo nga pala, ano? Past tense!

Sa kabilang classroom naman:

Teacher: Okay, Pedro, spell carabao.
Pedro: Carabao, ma’am?
Teacher: Yes, Pedro, carabao.
Pedro: Carabao, ma’am?
Teacher: Yes, Pedro, carabao. Common, spell it.
Pedro: Carabao, ma’am?
Teacher: Yes…
Pedro: Carabao…capital W….(he he he!)

Sa isang elevator, sumakay ang magpinsang promdi:

Totoy: Wow, ang gara ng sasakyang ito ano, pinsan?
Tintoy: (Medyo naiinis.) Oo, pero huwag kang maingay para di mahalatang ignorante ka…
Totoy: O, sige…Ay, oo nga pala pinsan, magabayad ka na ng pamasahae natin…
Tintoy: (Galit, sumisigaw.) Gago, ignorante ka talaga. Di mo ba alam na nakasakay tayo sa elevator at di tayo dapat magbayad? Antayin mong bigyan tayo ng tiket no’ng konduktor!


Posted by The Jester on Mar 02 2006
Filed under Jokes



Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.