Ver
01

Paano humikayat ng mga tao para sumali sa rally sa EDSA

The following has been circulating in inboxes and I have been fortunate to receive this “timely” advice. This piece is supposed to have come from an OFW nurse.

Sa mga darating na pagdiriwang ng EDSA, may mungkahi ako kung paanong matagumpay na manghikayat ng taong sumali sa rally (para ito sa mga pulitiko at mga pasimuno):

1. Huwag maging ex-President (You had your chance and you blew it, do you think people are stupid enough to put you back in office?)

2. Kung malaking karakter ka na nung EDSA 1, huwag ka nang papapel sa mga susunod na EDSA. Sa unang EDSA, bayani ang tingin namin sa iyo. Pero kung magbida-bidahan ka pa rin sa mga susunod na EDSA, payaso na ang dating mo.


3. Iwasang gumamit ng mga katagang gaya ng sumusunod: a) magkaisa na tayo;
b) mga kababayan; c) para sa taong bayan; d) ibagsak; e) imperyalismo; f) makibaka; g) world bank; h) tuta ng kano; i) kapit-bisig — gasgas na yan!!

4. Malaking porsiyento ng mga Pilipino ang marunong magbasa at mag-internet kaya kung sa palagay mo kulang kami sa “awareness” sa kung ano ang tunay na nangyayari sa bansa gaya ng kabulukan sa gobyerno, kahirapan, pang-aapi sa mahihirap, pandarambong, pagnanakaw, panggagahasa sa likas yaman, nagkakamali ka. Huwag mong itratong mangmang at mababa ang mga taong hindi gaya mong nakapag-aral ng Political Science, Law, Sociology, Philosophy at may master’s degree o Ph.D.

5. Kung kakaway, huwag gagamit ng senyas na L, V o anumang hand signals. Alam naming strategy yan “for easy recall” sa kung anong partido ka nabibilang pero kailangan ba yan sa EDSA? Masyado tuloy halata kung ano ang iyong hangarin (eh, di promotion cum-electioneering, ano pa?)

6. Huwag gamitin ang pangalan ng Diyos. Baka tamaan ka ng kidlat!

7. Huwag tumawag ng pagpapatalsik ng gobyerno. Kung opisyal ka gaya ng senador, congressman, mayor, di ba gobyero ka rin?

8. Kung ikaw ang kasalukuyang Pangulo, magpahayag ka ng “state of emergency” para maraming tao ang mahikayat magrally — laban sa yo.

9. Huwag gagamit ng artista panghatak ng tao, sige ka tatakbo yan sa susunod na eleksyon.

10. Huwag maghahakot ng mga taong mahirap kapalit ng pakain o pera: it is unethical to take advantage of the misfortunes of other people.

11. Huwag magpanggap na api at sumali sa mga “special groups”, anong palagay nyo sa mga sarili nyo at SINO BA KAYO?

12. Don’t urge people to join a rally or defy and resist whatever it is that you want us to defy or resist. You don’t know what you are saying and you don’t have the wisdom and the character to inspire us Filipino people. (And no thanks for trying!)


Posted by The Jester on Mar 01 2006
Filed under Feature




One Response to “Paano humikayat ng mga tao para sumali sa rally sa EDSA”

  1. March On! | Blackboard Says:

    […] Ever busy Gabriel is off-the-air just for today but still managed to spread humor in spammed. […]

Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.